Janna Madeleine Villegas del Rosario.
sixteen. 2nd year Mass Communication Student.
S I N G L E
April 29 2012 02:02am
MAGULANG, OH AKING MAGULANG.
Isa akong anak. At hindi maglalaon, sa tulong ng Panginoon, magiging isa rin akong ina. Isang magulang.
Sa labing pitong taon kong namumuhay sa mundo, hindi nawala sa tabi ko ang aking mga magulang. Kung hindi ko man maalala, sila ang nagturo sa akin maglakad, gumapang at magsalita. Bilang bunso nilang anak, masasabi kong ako ang kanilang pinakamahal. Sa mga taon na nagdaan, hindi paren nila ako iniwan. Sa oras ng paghatid at pagsundo sa paaralan. Mga literal na pagtuturo ng maghapong aralin. Mga simpleng paghahanda ng baon kinabukasan. Mga simpleng bagay na masasabi kong dahilan kung bakit nila ako mahal.
Hanggang lumaki na ako ng lumaki. Natuto ng makipaglaro, natuto ng makibagay sa mga kapwa ko bata. Natuto na kong magsalita ng tuwid. Para masabi sa kanila ang aking mga daing at reklamo sa buhay. Sa gitna ng aking mga natututunan, hindi sila nawala para ako’y gabayan. Hindi sila nag alinlangan na ako’y pagalitan sa twing gumagawa ako ng hindi kagandahan. Hindi sila nagsawa na ako’y paalalahan sa aking mga maling tinuturan. Mga bagay na ikinswerte ko dahil sila ang aking mga magulang.
At nung panahon na pakiramdam ko, madami na akong alam at hindi ko na sila kailangan. Mga panahon na nagpatatag sa akin bilang tao. Mga panahon na hindi ko pinagsisihan na pagdaanan, pero hinding hindi ko na babalikan. Madaming sakit ng ulo, sama ng loob at panget na impresyon ang naiwan ko sa mata ng aking mga magulang ng pakiramdam ko’y isa akong superhero na kaya ko na ang lahat. Nakalimot ako sa lahat ng tinuran sa akin ng aking ina. Isang paalala na wag na wag sasagutin ang matatanda na madalas ko ng ginagawa sa twing ako’y nasisita. Nakalimot ako sa mga paalala ng aking ama na pag aaral muna ang atupagin bago ang lahat ng unang tumibok ang aking hilaw na puso at suwayin ang kanyang utos. Mga simpleng bagay na ginawa ko ng kusa hindi para sila’y saktan. Mga bagay na ginawa ko ng buong malay dahil sandali akong naging masaya sa piling ng mga taong akala ko’y hihigit pa sa kayang ibigay na kaligayahan ng aking mga magulang..
Ngunit sa bandang huli, matapos ang lahat ng pagkakamali, lahat ng paglimot sa kanilang mabubuting salita, sila din pala ang mga taong matatakbuhan ko sa oras na talikuran ako ng mga taong akala ko’y iaangat ako hanggang dulo. Sa aking pagkakadapa, isang salita lang ang nasabi ko sa aking mga magulang, “PATAWAD.” Patawad sa kapabayaan na aking ipinakita. Patawad sa mga pagsuway. Patawad sa mga pagmamatigas. Aking mga magulang, patawad.
Sa ilang taon makalipas ang mga pagkakamali, hindi ko maitanggi na naulit pa iyon. Pero ngayon, alam ko na ang bawat kapalit nyon. May ilang beses pa kaming nagtalo ng aking ina sa mga pansisita nya. May ilang beses pa kaming hindi nagpansinan ng aking ama sa sobrang pananawa sa aking mga ginagawa.. Mga bagay na ginagawa ko hindi para sila’y saktan. Mga bagay na aking nagagawa dahil nanaman sa kaligayahan.
Minsan, ang isang tao, nakakagawa ng mga bagay na hindi maganda. Mga bagay na hindi nya alam, nakakasakit na pala. Mga bagay na akala nya, tama. Mga bagay na hindi nya sinasadya. Ako, bilang anak ng aking mga magulang, napakaswerte ko na sila ang binigay ng Diyos sa akin para maging gabay ko sa aking pagtanda. Sa dami ng pagkakataon na hindi ko sila sinunod, hindi paren nila ako iniwan. Sa dami ng pagkakataon na sila ay aking nabastos, hindi paren nila ako tinakwil. Sa dami ng nagawa kong hindi maganda sa kanila, eto ako’t anak parin.
Sa aking ina, Mrs. Marivet del Rosario,
Salamat. Salamat sa pagiging mabuting ina sa akin maging sa aking mga kapatid. Salamat sa pagiging ina sa twing kinakailangan ko ng inang, simpleng makakausap twing magulo ang aking pagiisip sa mga bagay bagay. Salamat sa pagtatyaga sa mga bagay na ginagawa kong mali. Salamat sa paulit ulit na galit at pagpapatawad. Salamat dahil hindi ka nawala sa aking tabi sa mga panahong mas kailangan ko ng magulang.
Patawarin mo ako sa mga masasamang bagay na ginawa ko sayo. Sa mga bagay na paulit ulit kong ginagawa ng walang permiso mo. Patawarin mo ako sa mga panahong nakakalimutan kong ina kita, at nakakagawa ako ng mga bagay na hindi angkop sa kung anong relasyon ang meron tayong dalawa. Patawarin mo ako..
At sa aking dakilang ama, Mr. Arsenio del Rosario.
Ama, salamat sa pagintindi. Sa aking mga kahinaan at kakulangan bilang tao. Salamat at hindi mo ako pinabayaang kaawaan ang aking sarili. Salamat sa pagpapaintindi sa akin ng mga bagay na dapat kong unawain upang mabuhay ako ng naayon sa tama at nabubuti para sa akin. Salamat sa paniniwala mo sa akin. Sa mga bagay na akala kong hindi ko kayang gawin, salamat sa paniniwala at pagtitiwala. Salamat sa mga panahong ginugol mo para lamang ako’y turuan ng leksyon sa twing nakakagawa ako ng hindi maganda. Sa mga simpleng paraan na yun, nararamdaman kong ako paren ang iyong paborito.
PAPA. patawad po. Sa mga pagkakataong hindi ko nagagawa ang mga bagay na inaasahan nyong magagawa ko. Sa mga kahinaang ipinapakita ko sa iba na kalakasan ko para sa inyo. Patawad po sa mga oras na hindi ako nagiging mabuting anak na pinipilit nyong itaguyod. Patawad po sa mga pagkakamali, sa mga pagpapabaya, at maling desisyon na aking nagawa dahil sa hindi ko pakikinig sainyo ng aking ina. Patawarin nyo po ako..
Sa oras na kaya ko ng suklian ang lahat ng naitulong nyo, kahit sa mga simpleng bagay na magagawa ko, hinding hindi ko kayo papabayaan. Sa oras ng inyong pagtanda, aakayin ko kayo katulad ng inyong pag akay sa akin nung ako’y tinuturuan nyong maglakad. Kakausapin ko kayo ng kakausapin sa oras na makulit na kayo at madami ng tanong katulad ng paulut ulit nyong sagot sa twing marami akong tanong nung ako’y bata pa. Papaliguan ko kayo katulad ng pagpapaligo nyo sa akin noon. Gagawin ko ang mga simpleng bagay na ito para makabawi sa dami ng naitulong at nagawa nyo sa akin. Ang pinaka malaking bahagi ng buhay ko ay dahil sa inyo aking mga magulang. Kaya sa oras na ako naman ang may pagkakataon para kayo’y alagaan, hindi ko iyon pagsisihan..
Kulang pa ang salitang “SALAMAT” sa dami ng nagawa nyo para sa akin, aking mga magulang. Kung may salita pang maihahambing na lalampas sa salitang ito, iyon ang nais kong bigkasin. Habambuhay kong ipagpapasalamat sa Diyos na kayo ang napili nyang maging aking mga magulang, at ako ang napili nya upang inyong maging anak. Sa dami ng mas mabubuti, magagaling at karapat dapat na inyong maging anak, ako ang Kanyang napili para sainyo. Kung meron mang mga oras na hinihingi kong makapili ng ibang magulang ng dahil sa galit, isumpa nyo ako. Pero ang pagiging anak ng isang Marivet at Arsenio ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko.
Mahal na mahal ko kayo, oh aking ina at ama. Ang pagibig ko sainyo ay lampas pa ng inyong inaakala. Hindi ko man masabi at maipakita, alam ng Diyos na kayo ay aking sinisinta. Mahal na mahal ko kayo, oh aking mga magulang. Higit pa sa kung anong salita ang maihambing. Hindi ko kakayanin, pag kayo ay nawala sa akin..
= JMVDR =


FEBRUARY NINETEEN TWO THOUSAND AND TWELVE
SUNDAY
ELEVEN FORTY SEVEN LATE NIGHT
after those precious months that i wrote something about my HEARTBREAK, eto nanaman ako, MAGSUSULAT, NAGSUSULAT, NAGSULAT ng…. kung hindi man tungkol sa heartbreak, malamang, tungkol nanaman sa LOVELIFE. [ eh ano pa nga ba? haha. ]
I’ve been uhm.. sige na nga, DEPRESSED.
I’ve been DEPRESSED this past few weeks for some reason i dont actually know. hindi ko alam kung bakit at paano ako nakakaramdam ng ganito. siguro dahil hindi pa ko nagkakaroon? [OOOOPPPPSSSIE DOOOOPSSSIIIIE PEOPLE, HINDI PO AKO BUNTIS. UNAHAN KO LANG.. ] or like how Ms. Leila told me, “ITS JUST AN HORMONAL CHANGES..” hindi sya doctor or nag aral man lang, pero hindi ko alam kung saan nya nakuha yung HORMONAL EKEK na yun. Basta, ang alam ko, MOODY AKO NGAYON.
at dahil sa MOOD NA HINDI KO MAHAWAKAN, [ dahil hindi naman talaga sya nahahawakan, LITERAL. ] madami akong DOUBTS at REALIZATION sa buhay ko na hindi ko alam kung paano ko ihahandle.
AYOKO NG MAY BUMABAGABAG SAKEN IN ANY WAY!! wala naman sigurong tao ang gusto non dba? pero ilang linggo ko na iniisip yung tungkol sa 1OPAGES PROPOSAL LETTER na dapat ipasa last week pa. ETO, magkakaroon nanaman ng panibagong week pero hindi ko pren sya natatapos. Hindi ko nga sigurado kung may lakas at gana pa kong tapusin yon. :/
PRESSURED AKO.
kasama ko magsimba si Papa kanina and sabi nya saken, ayusin ko daw yung course ko kasi wala na daw problema sa magiging trabaho ko in the near future. EH NGAYON PA NGA LANG, TAMAD NA TAMAD NA KO SA MGA PAPERWORKS EHH! shit.crap! ayoko talaga ng ganitong pakiramdam.
ALAM MO YUNG FEELING NA GUSTUNG GUSTUNG GUSTO MONG GAWIN YUNG ISANG BAGAY NA ALAM MONG SUPER MAKAKABUTI FOR YOU, PERO PAG INIISIP MO NA SYANG UMPISAHAN,
“OHHH DAMN IT! LASLAS!”
awww. mga minor thoughts pa lang yan. i think, wag na naten ielaborate yung mga MAJOR. kasi nakakahiya and at the same time, hindi sya adviceable for me.
MALAPIT NA KO SA PAGKABALIWWWWWWWWWWWWWWWW.
” SO HELP ME GOD. AMEN. “
:(
gusto ko lang sabihin na kanina pa ko wala sa mood. kung baket, hindi ko din alam. kung kelan nagumpisa, hindi ko din alam. kung kelan matatapos. gusto kong sagutin na “SANA BAGO MATAPOS TONG GABING TO..”
wala namang kabadtrip badtrip na nangyare saken ngayong araw para tumahimik ako habang kasama ko yung mga kaibigan kong maliligalig. ilang beses din akong muntikan masagasaan kasi nakasoundtrip na sobrang lakas at hindi nakatingin sa daanan. ilang beses muntikang madulas. ilang beses nabasa ng ulan. ilang beses. ilang beses. ilang besesssss :/
paano ba kasi gamutin yung gantong sakit? magbabayad ako, gumaling lang. feeling ko kasi, nakakamatay to eh. :/